Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras: (Part 2) Motorcycle taxi rider, sinaksak ng 'di bababa sa 10 beses ng pasahero; NMESIS mobile anti-ship missile system ng Amerika, iiwan sa Pilipinas; PNP: Pinaslang na negosyanteng Chinese at driver, 10 araw na itinago sa mala-scam hub na apartment, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tinadtaad ng hindi bababa sa sampung saksak ang isang motorcycle taxi rider sa Quezon City.
00:07Ang sospek, mismong pasahero niya. Nakatutok si James Agustin.
00:16Pagdating ng motorcycle taxi sa iskinitang ito, bigla na lang sinaksak ng pasahero ang rider.
00:22Natumba ang motosiklo at rider. Habang ang pasahero, ilang beses pa inundayan ang saksakan rider.
00:29Kahit humihiyaw na ang biktima, walang tigil pa rin ang sospek.
00:33Itinayo niya nakatumbang motosiklo, sinakyan ito at saka umalis sa lugar.
00:38Nangyari ang krimen sa bahagi ng barangay Pag-ibig Sanayon sa Quezon City, bandang alas 5 ng umaga kahapon.
00:45Ayon sa mga taga-barangay, may pumunta sa kanilang residente para humingi ng tulog.
00:49Agad din lang dinala sa ospital ang biktima.
00:52Nakita po namin si rider, hawak-hawak po niya yung leg niya, na yun nga po, puro dugo, dugoan po siya.
00:57At nung pagbuat na po habang sinasakay na sa ambulansya, sinabihan po siya nung BPSO namin na,
01:04Pre, lumaban ka, kaya mo yan. Humuon naman po siya.
01:09Nagpapagaling pa sa ospital ang 43 anyo sa lalaking rider,
01:12na nagtamu ng hindi bababa sa 10 saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan.
01:16Sa embisigasyon ng pulisya, lumalabas na sumakay ang pasahero sa Recto Avenue sa Maynila
01:21at nagpapahatid sa lugar kung saan nangyari ang pananaksa.
01:25Hindi pa malinaw sa ngayon ang motibo sa krimen.
01:28Ang kanyang kinuwa lang, yung ginawa niyang getaway,
01:32is yung motor na gamit nila nung biktima natin.
01:36Yung personal belongings ng biktima, yung wallet niya, yung pera niya,
01:39is nandun sa biktima natin, intact yun.
01:42Hindi yun nag-alaw.
01:43Ano yun ang inibisigan natin, kung anong angulo sila pwedeng magkaroon ng koneksyon
01:50o ano yung kanyang motibo para gawin yung mga bagay na yun.
01:56Nagkasangpuli siya ng manhunt operation laban sa sospe.
01:59Hawak na rin nila ang ilangkuhan ng CCTV
02:01na posibleng makatulong sa pagtukoy sa pagkakakilala ng sospe.
02:05All efforts ng Station 1 at ng QCPD ay andito lahat doon sa pagpalo-up sa kaso na ito.
02:14Kaya hanggang ngayon, yung mga tao natin ay nasa labas pa rin at nagpapalo-up dito.
02:21Nakipag-ugnayan na rin daw ang QCPD sa kumpanya ng motorcycle taxi rider.
02:26Para sa Gemma Integrated News, James Agustin, nakatutok, 24 oras.
02:31Iginiit ng Philippine Navy ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea
02:36kasunod ng babala ng China na paalisin ang BRP Apolinario Mabini sa Bajo de Masin Loc.
02:43Tingin ng isang eksperto, may kinalaman nito sa balikatan exercises
02:48kung saan maraming bansa ang kasama ng Pilipinas.
02:53Nakatutok si Maki Pulido.
02:54Sabay sa simula ng isa sa pinakamalaking balikatan exercise ng Pilipinas at Amerika
03:03na oobserbahan ng labinsyam na bansa.
03:06Ang pagbabanta ng China labansaan nila ay panghihimasok ng Pilipinas sa Bajo de Masin Loc.
03:12Ang tinutukoy ay ang Maritime Domain Patrol ng BRP Apolinario Mabini noong April 20
03:17na 124 nautical miles lang ang layo mula sa baybay ng Masin Loc Zambales
03:23at pasok sa Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas.
03:28Sa kabila niya, naglabas ng pahayagang China sa kanilang media
03:31na walang paalam ang pagkubkuban niya sa lugar
03:34sabay utos sa kanilang Navy na sundan, imonitor at sabihang umalis ang barko ng Pilipinas.
03:40Binalaan pa ng China ang Pilipinas na itigil ang provocation o pangahamon
03:45dahil Pilipinasan nila ang mananagot sa consequence o epekto nito.
03:50Yan ay kahit pa sinabi na noong 2016 ng Permanent Court of Arbitration
03:54na walang basihan ng pag-angkin ng China.
03:57Git ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad,
03:59ang pahayag ay para sa internal audience umamamayan sa China.
04:04Git niya, Philippine Navy at ibang law enforcement ship ng Pilipinas lang
04:08ang may otoridad at legal na basihan na mag-challenge ng ibang barko
04:12sa loob ng ating maritime zone.
04:14Tingin ang security analyst na si Dindo Manhit,
04:17nag-iingay ang China
04:18dahil ipinapakita ng balikatan exercise na maraming kaalyado ang Pilipinas
04:23laban sa pag-aangkin ng China ng teritoryo.
04:26That's what they're trying to project strength
04:29because alam nila this military exercise
04:31projects strength on a small country like the Philippines
04:34because our strength is our friends, our allies, and our partners.
04:38Nasa interest din naman daw ng ibang bansa
04:39na hindi makontrol ng China ang sea lane
04:42na dinaraanan ng ilang trilyong dolyar na komersyo.
04:45The West Philippine Sea is an important sea lane of communication.
04:49That's where trade passes, that's where submarine cables passes.
04:52You'd rather have the Philippines in control of that than China.
04:56Para sa GMA Integrated News,
04:58Maki Pulido Nakatutok, 24 Horas.
05:26Libong-libong sundalong Pilipino at Amerikano ang lalahok
05:30sa pagsisimula ng balikatan joint military exercises na yung taon.
05:36Kabilang sa mga unang dineploy para sa naturang pagsasanay,
05:40ang Nemesis Mobile Anti-Ship Missile System ng Amerika
05:45na iiwan din dito sa bansa.
05:48Nakatutok si Chino Gaston.
05:49Simula pa lang ng balikatan 2025 exercises
05:57pero may tiyak nang mangyayari
05:59pagkatapos ng joint military exercise ng Pilipinas at Amerika.
06:03Mananatili ang dala nitong Nemesis Mobile Anti-Ship Missile System
06:07na isa sa mga pagsasanayang gamitin sa balikatan.
06:11Ayon sa U.S. Indo-Pacific Command,
06:13mananatili ito sa Pilipinas hanggat kailangan ito
06:16sa mga ginagawang pagsasanay ng dalawang bansa.
06:19Ayon sa AFP,
06:20kaya umabot ng missile nito
06:22ng hanggang 200 km.
06:24Dagdag yan sa Typhoon Medium Range Capability Missiles ng Amerika
06:28na matagal nang nasa bansa
06:29at kaya namang umabot sa bahagi ng China.
06:33Narito rin ang High Mobility Artillery Rocket System o HIMARS.
06:37Maide-deploy ang mga missile system sa Northern Luzon
06:40bilang bahagi ng mga gagawing full-scale battle training
06:43para idipensa ang teritoryo ng bansa.
06:46Things like the Navy and Marine Expeditionary Ship Interdiction System.
06:51Things like the Marine Air Defense Integrated System, MADIS.
06:55And the Army's Medium Range Capability, the Typhoon Missile.
06:59All here to bring together our capabilities
07:04to demonstrate and reassure the region
07:07that will remain committed to peace.
07:10Dati nang inaalmahan ng China
07:12ang pag-deploy ng US missile system sa bansa.
07:15Pero ayon sa Commanding General
07:16ng mga US Marines
07:18na kalahok sa balikatan,
07:19bukod sa pagsasanayan ang paggamit nito,
07:22pwede rin itong pandepensa sa teritoryo.
07:25Hindi ito gagamitin pang-atake.
07:27If you don't intend to breach the territorial integrity of the Philippines,
07:33then you shouldn't have a concern about weapon systems
07:36that are intended to ensure the defense of the Philippines.
07:39Bukod sa mga missile system,
07:41magsasanay rin ang halos lahat ng land, air,
07:44at sea assets ng AFP,
07:45kasama ang mga bagong fighter jets,
07:47mga barkong pandigma,
07:49helicopter, at mga tanke.
07:50Our operations span complex joint endeavors,
07:54including missile defense,
07:57counter-landing live fires,
08:00and maritime strike capabilities.
08:03Higit limang libong Pilipino at siyam na libo na Amerikanong sundalo
08:07ang lalahok sa integrated air and missile defense training
08:10laban sa mga airborne threats at missiles,
08:13counter-landing live fire exercises,
08:16maritime strike kung saan palulubugin
08:18ang isang lumang barko ng Philippine Navy
08:20at multilateral maritime event
08:22kasama ang mga barko ng U.S. Navy,
08:25U.S. Coast Guard,
08:26at Japan Maritime Self-Defense Force.
08:28Kalahok din bilang participant sa mga bansang Australia,
08:32Japan, France, at UK,
08:34samantalang nagpadala naman ng international observers
08:37ang dalawampung bansa.
08:39Para sa GMA Integrated News,
08:41sinong gasto na katuto?
08:4224 oras.
08:45Pusibling impluensya ng fake news
08:47ang pagbaba ng approval
08:48at trust ratings ni Pangulong Bongbong Marcos
08:50ayon po yan sa Palacio.
08:52Sa huling survey ng Pulse Asia,
08:54bumaba sa 25% mula sa dating 42%
08:57ang mga nasisihan sa pagganap sa tungkulin ng Pangulo.
09:00Ang mga nagtitiwala,
09:02bumaba naman sa 25%.
09:03Pagdiriin ni Palas Press Officer Undersecretary,
09:06Claire Castro,
09:07hindi sinasalamin ng 2,400 respondents
09:11ng survey ang sentimiento
09:13ng mayigit 100 milyong Pilipino sa bansa.
09:15Anya,
09:16alamin ng gobyerno kung nakakatanggap ng tamang balita
09:19ang mga respondent
09:20o kung naiimpluensyaan sila ng fake news
09:22na lalabanan anya ng palasyo.
09:25Alamin din anya ng administrasyon
09:26kung nakakarating sa respondents
09:28ang tulong ng gobyerno.
09:31Ipatutupad pa rin anya ng Pangulo
09:33kung ano ang tama at nasa batas
09:35at hindi kung ano ang sinasabi
09:37sa isang survey.
09:58Hindi lang simpleng kaso ng Kidnap for Ransom
10:06ang nangyaring pagdukot at pagpaslang
10:08sa negosyanteng si Anson Ke at kanyang driver.
10:11Sabi ng PNP,
10:13matagal ng planong patayin si Ke
10:15ng mastermind
10:16na patuloy na tinutugis ng pulisya.
10:19Nakatutok si June Venerasyon.
10:23Sa loob ng unit number 345 ng apartment na ito
10:27sa May Kawayang, Bulacan,
10:29na tila scam hub umano ang setup,
10:31sinasabing itinago ng mga kidnapper
10:33ang likusyanteng si Anson Ke
10:35at kanyang driver na si Armani Pabillo
10:38sa loob ng sampung araw.
10:40Sa nabanggit na apartment din umano sila
10:41pinantayin noong April 8
10:42bago itinapo ng kanilang mga katawan
10:45sa Rodriguez Rizal.
10:46Lumabas na rin po yung result po ng autopsy.
10:50Ang nakalagay po doon na cause of death po
10:52ay aspeak siya by manual strangulation.
10:55So sinakal po sila.
10:56Ang pinangsakal po sa kanila
10:58ay yung lubid.
10:58Ang lubid na pinansakal
11:00kina Ke at kanyang driver
11:01ay kabilang sa mga nakuhang ebidensya
11:03sa loob ng apartment.
11:04Bukod sa mga sapatos
11:05at iba pang gamit
11:06ng mga biktima,
11:07nakakolekta rin ang PNP
11:08na kanilang DNA sample
11:09sa loob ng unit.
11:11Base sa extrajudicial confession
11:12ng mga arestadong sospek
11:13na sina
11:14Richardo Austria
11:16at Raymard Catequista.
11:18Silaan nila ang pumatay
11:19kay Ke
11:20at kanyang driver.
11:21Kung pisal pa nila sa pulis siya,
11:23ang nag-utos sa kanila
11:24ay si David Tan Liao
11:26na nasa police custody na rin.
11:28Pinatay ang Chinese businessman
11:29kahit nagbayad ang pamilya
11:31ng ransom na cryptocurrency
11:32na ang katumbas na halaga
11:34ay milyong-milyong piso.
11:36This is not an ordinary
11:38kidnap for ransom operation.
11:41The objective really
11:42ang tinitignan natin
11:43is to really kill
11:45ang Sontan.
11:46Nasampahan na ng reklamong
11:47kidnap for ransom
11:48with homicide
11:49ang tatlong sospek.
11:50Pinagahanap pa ang isang babae
11:52at isang lalaking Chinese
11:53na kasama rin
11:54ang muna sa krimen.
11:55Ang tanong ngayon,
11:57sino ang mga utak sa krimen?
11:59Umaasa ang PNP
12:00na sa loob ng linggong ito
12:02ay makakapagsampala sila
12:03ng reklamong
12:04kidnap for ransom
12:04with homicide.
12:05Laban sa mga mastermind
12:07na kumontrata sa grupong
12:08dumukot
12:09at pumatay kina Anson Ke
12:11at kanyang driver.
12:12We want to make sure
12:13na airtight po
12:14yung mga ebidensya po natin
12:16bago po natin ma-file
12:18makapag-file po tayo
12:19ng supplemental complaint
12:20apidabit
12:21with respect po
12:22doon sa mga
12:24possible mastermind.
12:25Limang kidnapping cases
12:26na ang kinasangkutan ni Liao
12:27kabilang ang pagdukot
12:29at panggagahasa
12:30o mulos ang sinasabing
12:31finance officer
12:32ni dating banban mayor
12:33Alice Gu
12:34noong December 2024.
12:36Sa kabila nito
12:37legal na nagmamayari
12:39ng pitong baril si Liao
12:40bagay na pinaiimbestighan
12:41ni PNP chief
12:42Romel Francisco Marbil.
12:44May komento rin
12:45ang PNP
12:46kaugnay ng mga
12:47naglalabas
12:47ang litrato ni Liao
12:48kasama ang mga
12:49kinalang politiko
12:51at personalidad.
12:52If you research
12:53ngayon po
12:54si David
12:55Tan Liao
12:56you would see
12:57kung sino po
12:58yung mga personalities
12:59na nakakabing
13:01elbows po niya.
13:02Again,
13:03sabi nga natin
13:03it does not prove
13:04anything.
13:05Para sa GMA
13:06Integrated News,
13:07June Van Arasyon
13:08na katutok
13:0824 oras.
13:09Inilabas ng
13:19Social Weather Stations
13:20ang resulta
13:20ng kanilang
13:21Voter Preference
13:22for Senators Survey
13:23na ginawa po
13:24ngayong Abril.
13:25Nakatutok si Mariz
13:26Umali.
13:29Sa Social Weather
13:31Station Survey
13:32na kinumisyon
13:33ng strat-based
13:34consultancy,
13:35labindalawang pangalan
13:36na nasa listahan
13:37ng mga posibleng
13:37manalong senador
13:38sa election 2025.
13:41Ito ay sinasenador
13:42Bonggo,
13:43Congressman Irwin Tulfo,
13:44Senador Lito Lapid,
13:46dating Senate
13:46President Tito Soto,
13:48incumbent Senators
13:49Pia Cayetano,
13:50Bato De La Rosa
13:51at Bong Revilla Jr.,
13:53broadcaster na si
13:54Ben Tulfo,
13:55Makati City Mayor
13:56Abby Binay,
13:57Congresswoman Camille Villar
13:58at mga dating
13:59Senador Ping Lacson
14:00at Manny Pacquiao.
14:02Isinagawa ang survey
14:03noong April 11
14:04hanggang 15,
14:042025
14:05sa pamagitan
14:06ng face-to-face
14:07interviews.
14:081,800 registered voters
14:10nationwide
14:11na edad
14:1118 pa taas
14:13ang tinanong
14:13kung sinong
14:14kanilang iboboto
14:15sa pagkasenador
14:16kung gagawin na
14:17ang eleksyon
14:17noong panahon
14:18ng survey.
14:19Mayroon itong
14:19plus-minus
14:202.31%
14:21na error margin.
14:23Para sa GMA Integrated News,
14:25Mariz Umali
14:25Nakatutok,
14:2624 oras.
14:27$2.85 to run
14:31in-
14:35za GMA
14:40NUR-
14:41COMPASED
14:42stagnan
14:43STIFF
14:43Transcription by CastingWords

Recommended