Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5 days ago
Hindi nakatakas sa kuyog ang isang lalaki sa Parañaque City matapos niyang mang-hostage ng isang batang babae.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi nakataka sa kuyog ang isang lalaki sa Paranaque City, matapos niyang mang-hostage ng isang batang babae.
00:07Yan ang aking tinutukan exclusive.
00:13Unang nilapitan ng isang armado ng kutsilyo ang isang nakaskuter sa bungad ng palengke.
00:18Pero mabilis na umalis sa kanyang skuter at naglakad palayo ang lalaki na ayon sa mga polis ay unang tinarget na i-hostage ng suspect.
00:26Kaya pumasok ang suspect sa palengke at nabaling ang atensyon sa dalawang taong gulang na bata sa gilid.
00:31Mabilis itong kinarga ng suspect at hin-hostage.
00:34Noon na, nabulabog ang mga tao sa Fisherman's Wharf ng Barangay La Cuerta, Paranaque.
00:39Sinundan nila ang suspect at ang kanyang hostage.
00:42Ang ama naman ng bata, agad nakapagsumbong sa estasyon ng PNP Maritime Group sa lugar.
00:47Yung mag-asawa kasi pag sila nagtitrabaho, bit-bit nila yung anak nila sa trabaho.
00:51So nasa tabi lang nila ang bata.
00:53Biglang lumaan itong suspect at biglang tinangayin yung bata.
00:56Dalawang polis ang agad na dineploy.
00:58Sumabay sila sa mga taong humakabol sa hostage taker.
01:02Na noon daw ay hindi maipinta ang muka sa galit.
01:05Nang paulit-ulit nila sinasabi, huwag nyo akong lapitan dahil papatayin ko ito.
01:08Talagang gagawin niya, hindi siya nagbibiro na ituloy na iitarak yung kutsilyo sa bata.
01:13Kaya hindi rin kami nag-insist na lapitan siya kasi pwede maka-compromise.
01:18Nagtagal ang hostage taking dahil hindi rin ako nakikipag-usap ang suspect.
01:21Actually, walang demand eh. Based dun sa investigation ng mga tropa natin.
01:25Nang lumabas, nagkaroon ng family problem.
01:28Hanggang sa makakuha na ng tempo ang mga polis,
01:31nang ibabaraw ng suspect ang kutsilyo,
01:33dito na siya sinunggaban ni na patrolman Melad at staff sergeant Katponton.
01:38Sa kuha ng CCTV, makikita rin kung paano kinuyog ng mga tao ang suspect.
01:43Pagka-takedown na po sir, yung bata po is kin-over ko sir kasi ang dami pong tao.
01:48Pati yung bata matamaan dun sa mga kuyog ng dumating na mga tambay.
01:54Sugatan si Patcholman Melad.
01:56Di ko po talaga binitawan yung kutsilyo kahit ramdam ko na parang maputol yung daliri ko.
02:00Yung nasa isip ko po kasi nun sir, baka may ibang mga kuha.
02:04Baka saksakin yung suspect o yung suspect yung mayawak ng kutsilyo,
02:08yung saksak sa bata kahit kanino.
02:11Kaya binitawan ko lang po nung nalaman ko na si kabadi ko na yung mayawak.
02:15Ang suspect humingi ng tawad sa kanyang ginawa.
02:17Siyempre, di gusto maghiwalay kayo ng asawa mo.
02:22Sobra sirang pagsisisi ko.
02:24Naharap siya sa kasong serious illegal detention, child abuse,
02:28alarming scandal at illegal possession of deadly weapon.
02:31Para sa GMA Integrated News,
02:33Evel Zumanio, Nakatutok 24 Horas.
02:38Evel Zumanio, Nakatutok 24 Horas.

Recommended