Hindi pa itinuturing na arestado pero iniimbestigahan na ang 20 Pinoy na tripulante ng isang barkong nakadaong sa South Korea. Kasunod ‘yan ng pagkabisto ng dalawang toneladang umano’y cocaine sa barko na pinakamalaking drug haul doon.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Hindi pa'y tinuturing na arestado pero iniimbestigahan na ang 20 Pinoy na tripulante ng isang barkong nakadaong sa South Korea.
00:08Kasunod yan ng pagkabisto ng 2 toneladang umunoy cocaine sa barko na pinakamalaking drug hole doon.
00:17Nakatutok si JP Soriano.
00:18Hanggang nitong umaga ay hindi pa rin pinapayagang umalis ang 20 Pilipinong tripulante sa MV Lunita na nakadaong sa Port of Okigie sa South Korea.
00:34Pinasok ang barko ng Korea Custom Service at Korea Coast Guard at nakitaan ng kontrabando ang nadiscovering hidden compartments sa likod ng engine room.
00:44Nang laslasin ang kinuha nilang package na may logo na isang luxury brand, tumambad ang puting substance at nang suriin bistadong cocaine pala ito.
00:55Mahigit limampung kahon na mga umanoy cocaine ang nasamsa.
00:59Sa bigat na dalawang tonelada, ito na ang itinuturing na pinakamalaking drug hole sa kasaysayan ng South Korea.
01:07Under investigation ngayon ang mga Pilipino.
01:10If they make a determination na may guilt itong mga Pilipinos, then they will tell them, you cannot leave.
01:19Right now, they can't leave. Pero it doesn't mean they're being arrested.
01:23Bago nito ay dumaan sa Mexico, Ecuador, Panama at China ang Norwegian flagged cargo vessel na puro Pilipino ang crew.
01:32But if they determine, make a determination of probable cause, meaning that it's their responsibility, it's their fault, they were trafficking drugs, then they'll be charged, possibly most probably detained pa.
01:48Right now, they're not detained.
01:48Ayon sa Reuters report, ang Federal Bureau of Investigation o FBI ng Amerika ang nagtip sa South Korean authorities na may laman-umanong kontrabando ang MV Lunita.
02:01Pagdaong sa pantalan, hinalughog ang barko hanggang matagpuan ang mga cocaine.
02:06Hindi pa malinaw kung may kinalaman ang mga tripulanting Pilipino sa nabistong droga.
02:11Ang naiulat ay sa engine room na natagpuan at eto, kasama na yan sa investigasyon kung sino ang mga sangkot, kung meron man kasama sa mga tripulante,
02:24at kung ano man ang mga detalye kung nasa sa ano ang mga location at involvement ng mga tripulante on board.
02:36Ayon sa JJ Oglant Companies, ang may-ari ng MV Lunita, nasa barko pa ang mga Pilipino at nakikipagtulungan na ang abogado nila para tulungan ang mga Pilipino.
02:47Inaantay pa nila ang resulta ng investigasyon at kikilos ng naaayon sa magiging resulta nito.
02:54Giit pa nila, hindi nila kinukonsinte ang anumang iligal na gawain at sinusunod lahat ng alituntuning may kinalaman sa seguridad at kontrol sa routines na kailangan sa kanilang operasyon.
03:06Hinihintay pa namin ang tugon ng maning agency sa Pilipinas ng mga Pilipinong tripulante, pero ayon sa DMW, nakausap na rin daw nila ang mga ito.
03:15Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, nakatutok 24 oras.