Utah 'Vampire Trucker,' naakusahan ng pagkulong sa mga sex slaves sa kanyang truck!

  • 9 years ago
Utah 'Vampire Trucker,' naakusahan ng pagkulong sa mga sex slaves sa kanyang truck!



'Vampire Trucker' naakusahan ng pagtago ng mga sex slaves.

Naakusahan ng mga federal authorities ang Utah truck driver na si Timothy Jay Vafeades ng pagpilit ng mga babae na maging sex slaves, na kanyang kinulong ng maraming buwan sa kanyang semitrailer.

Noong Mayo noong isang taon, kinidnap diumano ni Vafeades ang isang 19-year-old na babaeng kamag-anak na nanggaling sa Florida para magtrabaho kasama ang suspect.

Makalipas ang isang linggo, at gusto nang umuwi ng babae, pero tinakot at pinigilan siya ng 54-year-old na suspect. Sinakal pa niya ang babae hanggang sa mawalan ito ng malay.

Humingi ang teenager ng restraining order laban kay Vafeades noong 1999. Para maitago ang tunay na identity ng babae, pinaikli niya ang mga ngipin nito at pinagsuot ng pekeng ngipin, samantalang siya naman ay nagsuot ng pekeng ngipin ng bampira.

Anim na buwang itinago ni Vafeades ang babae, at sila ay magkasamang nagpunta sa Wahsington, Nevada, Texas, Tennessee, at iba pang estado sa US. Pinilit din niyang makipag-sex sa kanyang ang babae nang lampas isang daang beses.

Ang "Vampire Trucker" ay naaresto noong Nobyemnre noong isang taon, ng mga awtoridad sa Minnesota, na napansin ang mga sugat sa mukha ng babae.

Matapos maaresto ang suspect, nadiskubre ng pulis ang isa pang babae, na kanyang itinago nang tatlong buwan. Siya ngayon ay maaring masentensiyahan ng life imprisonment.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended