Dating SRA chief tiwalang lalabas ang katotohanan sa huli | News Night

  • 2 years ago
Inaasahan na ng dating pinuno ng Sugar Regulatory Administration ang naging laman ng Blue Ribbon Committee report.

Sa isang pahayag, sinabi ni Hermenegildo Serafica na bagamat naniniwala sila sa proseso ng mga nirekomendang kasuhan, ikinalulungkot nilang hindi nabigyang pansin ang mga pinrisinta nilang ebidensya.

Sa kabila nito, umaasa silang mananaig din ang katotohanan sa huli kapag lumabas na ang resulta ng imbestigasyon ng iba pang ahensya ukol sa supply ng asukal sa bansa.

Kausapin natin ang dating SRA administrator Hermenegildo Serafica.


Visit our website for more #NewsYouCanTrust: https://www.cnnphilippines.com/

Follow our social media pages:

• Facebook: https://www.facebook.com/CNNPhilippines
• Instagram: https://www.instagram.com/cnnphilippines/
• Twitter: https://twitter.com/cnnphilippines

Recommended