Armadong private security na umaangkin daw ng lupain, nagkampo sa bahagi ng Masungi Georeserve | GMA News Feed

  • 2 years ago
Inirereklamo ng mga bantay ng Masungi Georeserve ang pagkakampo ng mga armadong private security vehicle, na nandoon daw para bantayan ang interes ng nakabili ng lupa.

Pero ayon sa pagsusuri ng DENR, nasa labas daw ng protected area ang inaangking lupain, at umaaksyon naman daw sila sa mga ilegal na umookupa sa lugar. Nananawagan naman ang Masungi Georeserve sa gobyerno at sa publiko na makipagtulungan na protektahan ang ating kalikasan.

Nito lamang nakaraang taon, ilang beses na ring nalagay sa panganib ang buhay ng mga forest ranger na nagbabantay sa Masungi. Ang ibang detalye, alamin sa video.

Recommended