Palasyo, idinepensa si Mar sa ‘one more term’ calls

  • 9 years ago
Pinabulaanan ng Malakanyang ang akusasyon na niluluto na muli ang Aquino-Roxas tandem sa 2016 presidential election.

Kasunod na rin ito ng pahayag ni Interior and Local Government secretary Mar Roxas na kung siya ang tatanungin ay dapat i-extend ang termino ni pangulong Noynoy Aquino.

Kaugnay nito ay inakusahan ng mga kritiko na ginagawa ito ni Roxas upang matiyak ang kanyang pagkapanalo sa 2016 elections.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na walang basehan ang mga lumulutang na usaping ito at ang gusto lamang ng mga gustong palawigin pa ang termino ni Pangulong Aquino ay ipagpatuloy ang mga nasimulang reporma ng administrasyon

Hindi din naman maintindihan ni Lacierda kung bakit masyadong sensitibo ang mga kritiko gayong ang binanggit lamang nila ay nakikinig ang pangulo sa tinig ng kanyang mga boss.

Recommended