‘Mahigit P5-M na danyos ng bush fire sa Albay’
  • 9 years ago
Mahigit P5-million na umano ang nagagastos ng gobyerno para maapula ang nagpapatuloy pa rin na bush fire sa bayan ng Rapu-Rapu, Albay.

Una rito, muling nagpatupad ng evacuation ang pamahalaang panlalawigan matapos na muling sumiklab ang apoy sa dalawa pang bayan.

Ayon kay Albay Gov. Jose Salceda, kabilang sa mga apektadong barangay ay ang Magnaet at Tanagan sa bayan ng Bacacay at Brgy. Putsan sa Tiwi.

Muli namang humingi ng panalangin ang opisyal para sa kaligtasan ng mga kababayan.

“We are prepared to deal with these forest fires as soon as the choppers are allowed to fly. First and foremost we reiterate that goal of our province is ZERO CASUALTY. Second at this point your prayers are the best help,” ani Salceda.

Sa hiwalay na ulat ng provincial disaster risk reduction and management council, 20 pamilya o nasa 72 katao ang nailikas na mula sa mga apektadong barangay.
Recommended