‘Graphic warning’ sa sigarilyo, ilalabas na – DoH
  • 9 years ago
Nakatakda na umanong ilabas sa susunod na buwan ng Department of Health (DoH) ang pinal na disenyo ng mga “graphic health warnings” na ilalagay sa mga pekete ng sigarilyo.

Ayon kay DoH-National Center for Health Promotion Supervising Officer Luz Tagunicar, ito umano ay alinsunod sa itinatakda ng Republic Act 10643 na nilagdaan noong nakaraang buwan ng Pangulong Benigno Aquino III.

Sa ilalim ng batas, mayroong 30 araw ang kagawaran para maglabas ng 12 initial templates na gagamitin sa kampaniya.

Layunin umano nito na masugpo ang masamang bisyo ng mga Pinoy, sa pamamagitan nang pagpapa-alala sa kanila sa mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo.
Recommended