Mailman sa Akron, Ohio, na-pepper spray at kinagat ng isang lalaki!

  • 9 years ago
Mailman sa Akron, Ohio, na-pepper spray at kinagat ng isang lalaki!


Ang pag-deliver ng mail ay isang mahirap na trabaho, kung saan kailangan mong mag-ingat sa mga agresibong tao at aso. Kung kayo ay isang postal worker, mainam na palaging magdala ng pepper spray...

Pwera na lang kung kayo ay magdedeliver ng mail sa isang baliw na tao, kung saan hindi niyo magagamit ang pepper spray sa kanya!

Ang 25-year-old na si Robert Kiefer, ng Akron, Ohio, ay isa sa mga tinutukoy namin na 'psycho.'

Noong Sabado, hinihintay niya ang pagdating ng isang tseke sa mail...pero hindi ito dumating.

Nagwala siya, at kinuha niya ang pepper spray ng kartero, at spirinay ang kawawang mailman...

Sabay kinagat pa ito sa binti! Sadaling napigilan ng 56-year-old na mailman ang pag-atake ni Kiefer,

Pero napatumba din siya nito ng pangalawang beses. Dumating ang pulis sa eksena matapos silang tawagan ng isang kapitbahay.

Pero hindi pa tapos magwala si Kiefer. Sinalubong niya ang pulis, at na-mace niya pati na ang kanyang sarili.

Mabilis siyang naaresto, at hanggang ngayon ay nasa police custody pa rin siya. Ang kanyang bail ay nasa 1,000 USD, at siya ay inaasahang humarap sa korte sa February 21.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended