Lalake sa Michigan, nahuling naninilip sa isang Planet Fitness gym!

  • 9 years ago
Lalaki, nahuling naninilip sa isang Planet Fitness gym!

Ang 27-year-old na si Cody Postmus ay naakusahan ng paninilip sa isang babaeng walag kamalay-malay, mula sa isang grate sa kisame.

Ang maninilip na ito ay naaresto noong May 12, sa isnag Planet Fitness sa Grandville, Michigan.

Ayon sa mga reports, tinanggal ni Postmus ang isang parte ng kisame mula sa kanyang private tanning room.

Gumapang siya sa rafters, at sumilip mula sa grate, kung saan nakikita niya ang isang kuwarto.

Isang babae ang pumasok sa kuwarto, naghubad, at napatingin sa taas nang napansin niyang may nahulog na alikabok mula sa kisame.

Nakita niyang may nakatingin sa kanya, mula sa kisame. Creepy!

Tumawag ng pulis ang babae, pero nakatakas ang lalake, na hindi pa nakikila sa oras na iyon.

Pero mabilis din siyang nakilala bilang si Cody Postmus, salamat sa sign-in sheet sa gym.

Umamin siya sa kanyang paninilip. Hindi na ito ang unang pagkakataon na siya ay nasita para sa pagiging pervert. Noong 2009, siya ay nakasuhan ng indecent exposure.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended