Anim na police officers sa Cleveland, nakasuhan sa deadly car chase na nangyari noong 2012!

  • 9 years ago
Anim na police officers sa Cleveland, nakasuhan sa deadly car chase na nangyari noong 2012.

Isang Cleveland police officer ang nakasuhan ng felony manslaughter, at limang supervisors ang nakatanggap ng misdemeanor charges, dahil sa isang 22-minute na car chase, na nangyari, dalawang taon nang nakalipas.

Nagsimula ang car chase, nang inakala ng isang officer na nakarinig siya ng paputok ng baril mula sa isang kotseng umaandar sa tapat ng Justice Center.

Tumawag ng backup ang officer, at tinangkang pahintuin ang kotse. Hindi nagtagal, ay animnapung cruisers ang nasangkot sa insidente.

Nang nagtapos ang habulan, ay naglakat ang dugo sa eksena. Si Officer Brelo ay tumayo diumano sa hood ng kotse ng suspect, na kanyang pinagbabaril ng apatnapu't siyam na rounds mula sa kanyang 9mm na baril.

Labing-tatlong officers ang bumaril ng isang daan, at tatlumpu't pitong bala sa kotse.

Ang mga nakasakay sa kotse na sina Timothy Russell at Malissa Williams ay hindi nabigyan ng pagkakataon maligtas.

Si Officer Brelo ay humaharap sa dalawang bilang ng felony manslaughter, at siya ay makukulong kapag nahatulan ng guilty.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended