Russian wedding registry, nalito sa androgynous na lalake at babae na gustong mag-asawa!

  • 9 years ago
Androgynous na mag-asawa, na-confuse ang wedding registry sa Russia!

Ang same-sex marriage ay isang malaking no-no sa Russia…kaya imagine na lang ang itsura ng mga registry office workers, nang may nagpakitang dalawang tao, na nakasuot ng mga bridal gowns, at sinabing balak nilang magpakasal.

Ito si Dmitry Kozukhov, na kilala rin bilang si Alina Davis – at ang kanyang asawang si Alison Brooks.

Kung sa tingin niyo, ito ay same-sex marriage…nagkakamali po kayo.

Hulaan niyo kung sino sa dalawa ang lalake…yup, si Davis, na nasa kanan, ay lalake!

Si Davis ay isang ‘androgyne,’ na ang ibig sabihin ay hindi siya ang tipikal na ehemplo na bumabagay sa gender roles ng ating lipunan.

Mas komportable si Davis bilang isang babae, pero siya rin ay seksuwal na naaakit sa mga babae.

Ang pagiging mag-asawa ni Davis at Brooks ay isang importanteng bagay sa Russia, kung saan hindi malawak ang kanilang pag-iisip pagdating sa mga non-conventional couples.

Nakipag-argue sa kanila ang head ng wedding registry, dahil daw ang kasalan sa Russia ay pwede lang sa pagitan ng lalake at babae. Natural ay giniit ng dalawa na sila nga ay lalake at babae, hanggang sa napapayag na rin ang registry – na sinabihan sila na binabastos nila ang konsepto ng ‘pamilya.’

Para kay Davis at Brooks, dapat na maging matapang ang ibang tao laban sa ganitong klaseng kamangmangan. Sabi nilam, “Be aware…hindi ka nila pwedeng tanggihan ng iyong karapatan.”


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended